
KINUMPIRMA ng businessman na si Atong Ang na may relasyon sila ni Sunshine Cruz.
Nitong nakaraan lamang kasi ay pinagpiyestahan sa social media ng mga netizens ang video clips nina Atong at Sunshine na nag-kiss.
“Kinumpirma mismo ni Atong Ang sa Bilyonaryo News Channel na may relasyon nga sila ni Sunshine Cruz,” ayon kay broadcaster Pinky Webb sa Bilyonaryo News Channel.
Si Sunshine ay tahasang nagsalita tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Macky Mathay noong 2023 matapos silang magkasama ng mahabang panahon.
Ang aktres ay ikinasal din kay Cesar Montano, ngunit ang kanilang kasal ay inannul noong 2018. Ang dating mag-asawa ay patuloy na naglalaan ng oras para sa kanilang mga anak na sina Angelina, Chesca, at Sam.
E papaano na kaya si Gretchen Barreto na na-link din kay Atong noon?

More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon