May 2, 2024

Anong say mo, Cristy? VICE GANDA, MAGLALABAS NG KANTA PARA SA TSISMOSA

MAY pamatay hamon itong si Meme Vice Ganda sa isang tsismosa na kanyang iniinis na pinariringgan, gagawan daw niya ang nasabing tsismosa ng isang kanta na ang title at ‘Bwak Bwak Bwak.’

“Ang paniguro nga ni Meme Vice Ganda, kapag narinig ito ni tsismosa tiyak na manggigigil ito sa inis at galit.

“Nakakatawa raw iyong kanta, sapul na sapul si tsismosa at ikaka-high blood daw ng hitad. Kung mamalasin baka atakihin ang babaeng tsismosa, gano’n?! “Kilala n’yo na ba kung sino ang tsimosang ito? Well isa lamang ang laging tinitira ni Meme Vice, at ito nga ay si Cristy Fermin na tsismosa para kay Meme Vice,” chika ni Miss Bubuwit na aking source.