December 24, 2024

Ano ba ang maidudulot sa iyong katawan ng paliligo ng malamig na tubig? (Ikalawang bahagi)

TULAD nga ng sinabi sa mga pag-aaral, maraming nagagawang maganda ang paliligo ng malamig na tubig.

Sinabi ni Aaron Drogoszewski, co-owner of ReCOVER studio in New York City and a NASM-certified personal trainer, pinapaganda nito ang daloy ng dugo sa paliligo ng malamig na tubig para umabot sa iba’t ibang organs sa katawan upang mapanatili nito ang init.

Nakatutulong din ito para paglinaning ang nervous system na kayang kontrahin ang stress. Nababawasan din ang pagtaas ng uric acid at pinalalakas ang glutathione ng dugo na nakatutulong sa pagbawas ng stress.

Bukod pa riyan, nagbibigay din ito ng ginhawa sa sintomas sa pamamagitan ng paglabas ng noradrenalin ng utak na nakapagpapagaan ng lungkot at depresyon.

Nakatutulong din ang paliligo ng malamig na tubig para maging aktibo ang lymphatic system na naglalabas ng dumi sa katawan dahil dito nababawasan ang tiyansa na magkaroon ng impeksyon.

Ito pa ang pinakamaganda sa paliligo ng malamig na tubig, nakakaganda at nakakikinis rin ito ng mukha dahil nakatutulong ito para maiwasan ang pag-ubos ng natural oil sa balat at buhok.

Mas mainam din ito lalo na sa gabi dahil napag-alaman din sa pag-aaral na nakapagpapaganda ito ng tulog ng isang tao, ayon sa libro ng “The Four Hour Body” sapagkat maihahalintulad ang paliligo ng malamig na tubig sa isang tranquilizer na makapagpapatylog sa inyo.