December 25, 2024

Ano ang Eid al-Adha at papaano ito ipinagdiriwang?

IPINAGDIRIWANG ngayong Hulyo 31 ng mga kapatid nating Muslim sa buong mundo ang taunang festival ng Eid al-Adha o ang Festival of Sacrifice.

Ito ang pangalawa sa pinakamalaking selebrasyon ng mga Muslim kabilang ang Eid al-Fitr kung saan katapusan din ng Ramadan, ang buwan ng pag-aayuno.

Dahil sa coronavirus pandemic, inanunsiyo ng ilang bansa kung saan may pinakamaraming Muslim tulad ng Pakistan, United Arab Emirates at Alegeria ang paghihigpit sa public gatherings o pagtitipon.

Narito ang limang bagay na dapat ninyong malaman sa Eid-al-Adha.

Naniniwala ang mga Muslim na sinubok ni God si Prophet Ibrahim (Abraham) sa pagsasakripisyo nito sa kaniyang anak na si Ismail (Ishmail).

Ipinagdiriwang din nila ito dahil ito rin ang pagtatapos ng Hajj o limang araw na paglalakbay ng mga muslim. Ito rin ay sa paniniwalang malilinis ang kanilang kaluluwa at magkakaron ng equality, sisterhood at brotherhood.

Halos 2.5 milyong manlalakbay ang pumupunta sa Mecca at Medina sa Saudi Arabia para sa kanilang ritual. Ngunit, dahil sa nararanasang pandemiko sa buong mundo, 10,000 lamang ang pinayagang pumunta.

Kasama rin sa kanilang selebrasyon ang pagsasakripisyo ng hayop. Ang mga karaniwang

isinasakripisyo ng mga muslim ay ang mga puwede nilang kainin tulad ng goat, sheep, cow at camel.

Sa mga kapatid nating Muslim, Eid Mubarak!