Marami mga motorcycle driver ang tutol sa paglalagay ng protective barrier sa mga motorsiklo bilang requirement para makapag-angas para sa mag-asawa.
Walang dahilan para lagyan pa ng barrier ang pagitan ng mag-asawa na magka-angkas sa motorsiklo dahil halos maghapon at magdamag naman itong magkasama sa bahay.
Sapat na rin ang pagsusuot ng helmet bilang proteksyon dahil may kasama naman itong face shield bilang proteksyon kapag umaandar na ang motorsiklo.
Kung pagbabatayan ang disenyo ng ilalagay na barrier ay sagabal pa ito sa rider lalo na kung magpapakarga ng gasolina dahil nasa ilalim ng upuan ang gas tank.
Naniniwala tayo na mapanganib ito para sa seguridad ng naka-angkas lalo na kung masasangkot sa aksidente ang motorsiklo.
Kapag naaksidente kayong mag-asawa, may posibilidad na ‘yung metal frame ay tumusok sa backride o sa asawa na angkas mo.
Aerodynamics ang disenyo ng motorsiklo at maaaring hindi makatulong sa balanse ng rider ang pagkakaroon ng protective barrier sa kanyang likuran.
Halimbawa na lamang, kapag nilagyan mo ng barrier at hindi muna kasama si misis, sabihin na nating pauwi ka na at natapat ka sa malakas ang hangin baka maging windbreaker ito. Magwi-wiggle ang motor at masira ang balance ng rider.
Mas maganda nga siguro kung susundin ang inimungkahi ni Senator Bong Revilla na magsuot na lang ng gloves, face mask at full face helmet. Kaya ang planong paglalagay ng harang ay hindi na kailangan. Tumpak!
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo