NAKATAKDANG isailalim sa dalawang linggong lockdown ang lungsod ng Navotas dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod, ayon kay Mayor Toby Tiangco.
Idinagdag ng alkalde na magiging epektibo ang lockdown 24 oras matapos na magbuo ang pulisya ng augmentation team.
Sa Hulyo 15 napipintong umpisahan ang lockdown. Nilinaw naman ng alkalde na magbibigay sila ng abiso isang araw bago tuluyang ipatupad ang lockdown.
Nilinaw din ni Tiangco na para lang sa mga residente ang lockdown ang mga residenteng naghahanapbuhay ay papayagang pumasok. Ang mga nakatira sa ibang lugar na nasa Navotas ang hanapbuhay ay papapasukin sa ilalim ng lockdown at ang pipigilan lamang ay ang leisure activities.
“Sa ulat po ng ating City Health Office, 31 ang nagpositibo ngayong araw. Dahil puno na po ang ating mga isolation facility, ang ilan sa kanila ay dadalhin sa We Heal As One Centers sa World Trade Center at Philippine Arena,” ani Tiangco.
Noong alas-10:00 ng gabi noong Linggo July 12, umakyat na sa 931 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Navotas. 547 sa mga ito ang aktibong kaso, 325 ang gumaling na at 59 ang sumakabilang-buhay.
Naging kampante umano ang mga residente nang ipatupad sa Metro Manilang ang relaxed general community quarantine.
Kasalukuyan na umanong nirerebisa ng mga lokal na opisyal ang ang mga ordinansa para sa mas mabigat na multa sa mga lalabag sa mga alituntunin ukol sa pagsusuot ng face mask at social distancing.
More Stories
2025 BUDGET TARGET MAIPASA NG KAMARA SA SEPT. 25
DOPPELGANGER NI ALICE GUO, HUMARAP SA NBI
BAGYONG FERDIE PUMASOK SA PAR