November 23, 2024

Ang Tunay na Puno ng Ubas (Juan:15:1-10)

“Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.”

Pinuputol Niya ang bawat sangang hindi namumunga;at kanya naman pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang dumami ang bawat sanga.

Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo.Manatili kayo sa akin at mananali ako sa inyo.Hindi makakapamunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno.Gayon din naman,hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

“Ako ang puno ng ubas,kayo ang mga sanga.Ang nananatili sa akin,at ako sa kanya,ang siyang namumunga nang sagana;sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”

Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo,gaya ng sanga.Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin.

Kung mananatili sa akin at nananatili sa inyo ang mga ko.. salita ko,hingin ninyo ang inyong maibigan,at ipagkakaloob sa inyo.napaparangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nang sagana at sa gayo’y napatunayang mga alagad ko kayo.

Kung paanong inibig ako ng Ama,gayon din naman,inibig ko kayo;manatili Kayo sa akin pag-ibig; tulad ko tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.”