Buweno mga Ka-Sampaguita, cease fire muna tayo sa pagtalakay tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN saka ng lumalalang bilang ng COVID-19 cases sa ating bansa. ‘E papaanong di lolobo, ‘e hindi ibinabawas sa kasalukuyang bilang ng kaso ang mga naka-recovered at mga pumanaw na. Puro dagdag na lang nangyayayari. Ang lagay ay naglolokohan na lang tayo rito. Tsk!
Karamihan sa ating mga kababayan ay tutok sa mga nabanggit na isyu. Para kasing hot cake, mabenta. Hindi batid ng ilan ang nangyayaring sigalot ngayon sa pagitan ng China at India— at ang nakikinabang sa sigalutan ngayon ng dalawang malaking bansa ay ang Pakistan.
Nakipag-deal ang Pakistan sa China na nagkakahalaga ng $2.4 bilyong dolyar para sa gagawing massive hydropower project sa Kashmir. Ang Kashmir ay isa lamang sa pinagtatalunang teritoryo ng tatlong bansa.
Sa ngayon, nagkakaroon ng deadly clash ang India at China dahil dito. Bukod dito, nagkakaroon din ng komplikasyon o hidwaan ang Nepal at India dahil sa pinagtatalunang boarder. Matagal nang mayroong dispute ang mga nabanggit na bansa sa Himalayan boader sa loob ng ilang dekada.
Ang tumitinding hidwaan ng China at India sa Himalayan boarder ay nauwi na sa pagpapadala ng kani-kanilang tropa sa Ladakh, may taas na 15,000 na pook; kung saan mas maraming sundalong Chinese ang nasawi sa labanan. Suportado ng mga taga-Ladakh ang India dahil naninindigan silang sakop sila ng India. Ang sigalutan ng China at India sa Ladakh ay tumagal na ng limang dekada.
Bakit natin tinatalakaya ito, mga Ka-Sampaguita? Mahalaga na mahimay ito dahil darating at darating sa punto na magkakaroon ng kampi-kampihan ng mga bansa— kung kanino sila kakampi. Kung titingnan ngayon ang bilang ng sundalo ng India, kayang-kaya nitong daigin ang China.
Ang strike force ng India ay may bilang na 225,000 personnel kumpara sa China 34,000 forces sa hilaga at 15,500 sa gitnang teritoryo. Gayunman, ang panlaban dito ng China ay ang kanilang 104 missiles na kapag pinawalan ay kayang gunawin ang buong India. Mayroon ding sandatang nukleyar ang India na kayang pumulbos sa China.
Ang totoo, ang mga pinuno ng magkabilang bansa ang sumasawsaw sa sigalutan at walang kamuwang-muwang ang kanilang mga mamamayan— tungkol sa mga lihim na agenda.
Kapag lumala pa ito ng lumama, mauuwi ito sa ‘trade war’ at kampihan. Magkakaroon ng giyera sa Timog Asya sa aspekto ng ekonomiya. Kung mangyayari ito, sino ang mas apektado? Sa tingin ng iba, India ang maapektuhan. Pero, pumapalag ang India sa pagtabla sa tatlong business deal. Gayunman, mas nakalalamang ang China pagdating sa teknolohiya.
Kapag na-engaged ang dalawa sa ‘trade war’, nangangahulugang hindi tatanggap ng imports ang India sa China at gayundin sa kabila. Sa tingin ko,papasok ang India sa bilateral trade.
Gagamitin nila ang teknik na ‘tariff at non-tariff upang harangin ang mga produkto galing China. Kungmagkagayun, maapektuhan ang mamamayan— ang kanilang demands. Na kapag hindi ibinigay ng China ay magmamaktol ang mamamayan ng India. Papaano naman sila makalilikha ng kanilang produkto ng walang materyales galing China?
Kapag nagkaroon naman ng trade war ang U.S. at China, ang India at Vietnam ang makikinabang. Abangan natin ang susunod na kabanata kung maapekltuhan tayo sa mga senaryong ito. Adios Amosekos.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA