Itong si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa bagay na ito. Nang itaas ito sa kanan ng Diyos. Tinanggap niya sa kanyang Ama ang ipinangkong Espiritu Santo.
Ito’y kanyang Ipinagkaloob sa amin,tulad ng inyong nakikita at naririnig ngayon.
Hindi umakyat sa langit si David. Ngunit siya ang nagsabi,‘Sinabi ng Panginoon sa akin, Panginoon maupo ka sa aking kanan, Hanggan sa lubusan kung mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’
“Kaya’t dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus. Siya’y ng Diyos na Panginoon at Cristo!”
Nabagabag ang kanilang kalooban ng narinig ito.at tinanong nila si Pedro at ang mga Apostol”Mga kapatid, ano ang gagawin namin?”Sumagot si Pedro,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesucristo upang kayo’y patawarin at ipagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo.”
“Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak at sa lahat ng nasa malayo-sa bawat tatawagin ng Panginoon Diyos.”
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE