November 3, 2024

Ang Pagdating ng Espiritu Santo (GAWA: 2:40-47)

Narito ang karugtong ng paksa tungkol sa pagdating ng Espiritu Santo. Ito ay nangyari noong araw ng Pentecostes. Kung saan, nakapagsalita ng iba’t-ibang wika ang mga alagad ( ni Jesucristo).

Ngayon, itutuloy natin ang pagsasalita ni Apostol Pedro sa mga alagad na nasa Judea.

Marami pa siyang inilahad para patunayan ang kanyang sinabi at nanawagan siya sa kanila.

Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo’y maligtas.”

Kaya’t Ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabautismo ;at nadagdag sa kanila ay may 3,000 tao ng araw na iyon.

Nanatili sila sa itinuro ng mga Apostol,sa pagsasama bilang magkakapatid,sa pagpipira-piraso ng tinapay,at sa pananalangin.

Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol,naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot.

At nagsamasama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian.

Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangangailangan ng bawat isa.

Araw araw,sila’y nagkakatipon sa templo,nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang tahanan,at nagsasalu-salong masaya ang kalooban.

Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao.Bawat araw ay idinadagdag Ng Panginoon sa Iglesia ang mga maliligtas.