Dahil sa hinuha ng ilan na ginawa ang Noah’s Ark sa Pilipinas, isang kagaya nito ang itinayo sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa Cagayan de Oro.
Ang desinyo nito ay siyang replika ng literal na itinayong arka ni Noe, kung saan ay lumulan ang patriyarka, sampu ng kanyang mga kasama at mga hayop.
Ito ay nasa Amaya View ( Indahag, CDO). Katunayan, may kuhang drone video nito. Ang nasabing arka ay naging tahanan ng mga life-size zoo animals.
Kung saan, nakapalibot ang mga ito sa buong arka. Kabilang na rito ang oso, giraffe, elepante, usa, rhinoceros, bison, camel at iba pa.
Ang top deck nito ay pwedeng pagdausan ng mga special events.
Ang Amaya View ( dating Sierra del Oro) ay unang nagbukas via Hugo Skye Lounge. Ito ang naging unang atraksyon para maka-engganyo ng mga guests.
Ito rin ang mga naging pasyalan ng mga indibidwal na nagnanais makaranas ng ginhawa at mag-unwind. Gayundin ang makita ang spectacular view ng Cagayan de Oro.
Ayon kay Rommel Granada Gantuangco, libreng pumasok ang mga batang below 3 feet. Singkwenta pesos naman ang bayad sa lalagpas at P100 ang babayaran ng mga adult upang makapasok.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA