Ang buwan ng Agosto ay tunay na buwan ng wika. Sa darating na petsang 19, gugunitain natin ang pinakatampok na araw sa paggunita ng “Buwan ng Wika”. Ito ay dahil sa kaarawan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon.
Ngayong 2020, ang tema ng wika ay: “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya—sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya.
Mahalaga ang wika sa pagpapaabot ng tamang impormasyon at kamalayan upang mapigilan ang COVID-19.
Hindi lamang bakuna ang kaakibat ng lunas sa pandemya. Kundi ang malinaw na mensahe ng wika. Sa gayun ay maging tumpak ang pagtugon ng bawat isa.
Bilang mga Pilipino, mahalaga na isaalang-alang natin ang kahalagahan ng ating wika, ang wikang “Filipino”. Kung meron mang dapat mahalin na wika, iyon ay ang sariling atin. Huwag nating ikahiya kumpara sa wikang banyaga.
Huwag tayong masyadong bumilib sa wikang banyaga. Kasi, ang totoo, bilib din ‘yan sa wikang Filipino. Di porke nagsasalita ng “Inglesh” ang isang tao ‘e iyon na ang sukatan ng karunungan.
Nakakaingiit ang ibang lahi gaya ng Chinese, Thai’s, Koreans. Indonesian at Malaysian— dahil may katuutbo silang wika at alpabeto na hindi natin naiintindihan. Nanatili ang ganda ng kanilang panitikan at sistema ng pagsusulat ng karakter.
‘E tayo, naiintindihan ba ng karamihan sa atin ang letra ng “Baybayin”?
Bakit ikahihiya ng iba na magsalita ng sariling wika kapag kausap ang ibang lahi? Kaya, mga kabayan, taas noo nating ipagmalaki ang “Wikang Pambansa”.
Dahil sa oras ng kagipitan at pa ngangailangan, sa pamamagitan ng wika, mauunawaan natin ang ibig sabihin ng bawat isa sa atin.
Mahalin ang wika, sa isip, sa salita, sa panulat at sa gawa. Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino