Kamakailan napabalita ang pagkamatay ng isang guro sa Taal alas-10 ng umaga ng Hunyo 29, 2022. Nakatanggap ng tawag ang Taal Municipal Police Station hinggil sa pagkakadiskubre ng isang bangkay at ito ay nakilalang si Meriel Castillo Magsino, 29 years old, walang asawa, guro, tubong Zone 9, Taal Batangas at residente ng Mahabang Ludlod, Taal Batangas.
Nang ika-9:30 ng umaga nang araw ding iyon nagpunta sa apartment ang mga co-teacher ng biktima na sina Maria Fe Piol at Karen Reyes Medina,pawang mga residente ng Taal, nang makita nila ang biktima na nakasabit sa grills ng bintana. Bukod pa dito may nakita din na sugat sa bandang tiyan ng biktima.
Inilahad naman ng caretaker ng apartment na si Francisco Bacsal Labian na nakita niya si Fr. Johnsen Sandoval Guevarra, ang paring kaibigan ng biktima, na pumunta at dali-daling ding umalis sa nasabing lugar bandang alas-6:00 ng umaga ng petsa ding iyon ng walang sumagot sa bahay ng biktima base na rin sa kuha ng CCTV.
Ayon sa pari, nag-chat umano ang biktima sa kanya bandang 1:00 ng madaling araw na nagbabadya na may gagawing hindi maganda. Nang mabasa naman ito ng pari kinaumagahan ay agad nitong pinuntahan ang biktima.
Samantala, batay sa masusing imbestigasyon ng Taal MPS at ng SOCO, dito napag-alaman na ang mga tinamong pinsala ng biktima ay self-inflicted. Wala ring nakita na signs of struggle mula sa biktima. Sa pagsusuri naman sa cellphone ng biktima, nadiskubre ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay nito at ito ay ang tungkol sa alitan nila ng kanyang boyfriend. Sinuportahan naman ito ng mga nakuhang suicide letter mula sa bag ng biktima.
Lumabas ang katotohanan na ang biktima ay kinitil ang kanyang sariling buhay.
“Ikinalulungkot ng kapulisan ang mga ganitong balita. Gayunpaman, sa bawat krimen ay inaasahan po ng inyong kapulisan ang tulong at partisipasyon ng mga saksi upang mapabilis ang ating imbestigasyon,” ayon kay Philippine National Police (PNP) Regional Director Brig. Gen. Antonio C. Yarra.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA