Ang West Philippine Sea ay kabilang sa teritoryo ng Pilipinas at bahagi rin ng tanyag na South China Sea. Kung titingnan sa mapa ang South China Sea ay ‘yung mas malaking parte o kabuang parte ng dagat na napapalibutan ng iba‘t ibang bansa katulad ng Malaysia, Vietnam, Indonesia, Brunei, Taiwan, China at Pilipinas. Noong 1895-1945 ito ay naging sentro ng kalakalan ng iba’t ibang Southeast Asian Empires and Kingdom. Iba’t ibang bansa katulad ng France, Spain, at Japan ang nang-angkin ng iba’t ibang isla katulad na lang ng Hainan, Pratas, Spratly.
Matapos ang lkalawang Digmaang Pandaigdig nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Amerika dito nagsimulang ipaglaban ang karapatan para sa nasabing teritoryo. Ngunit noong taong 1947 iginiit ng China na ang nasabing teritoryo sa dagat ay kanilang pagmamayari alinsunod sa tinatawag nilang 9-Dash Line. Ang 9-Dash Line ay
itinatag ng pamahalaan ng China noong ika-1 Disyembre 1947. Ito ay makikita sa Map of the Chinese Island in the South China Sea. Dahil sa ginawang pangaangkin ng China umalma ang iba’t ibang karatig bansang nakapalibot dito katulad ng Malaysia, Vietnam, Indonesia, Brunei, Taiwan at Pilipinas alinsunod na rin sa pinanghahawakan nilang karapatan kaugnay sa EEZ (Exclusive Economic Zone).
Ang EEZ ay isang legal na distansya mula sa baybayin ng isang bansa patungo sa parte ng dagat kalimitan ay umaabot ng 200 nautical miles hanggang 230 milya, kung saan may binibigyan ng karapatan ang mamamayan ng bansa na malayang makapangisda, kumuha ng langis at magsagawa ng iba’t ibang economic activities.
Bagamat patuloy pa rin ang China sa pananakop sa iba’t ibang isla ng dagat na ito, katulad nalang ng Scarborough Shoal at Spratly Islands kung kaya’t umapela ang Pilipinas sa United Nation The Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) noong 2009. Noong 2012 nagsumite ang Pilipinas ng arbitrary case laban sa China na nag-uutos na ipawalang bisa ang pang-aangkin nila sa West Philippine Sea. Noong 2016 pinaburan ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas na nagsasabing sa Pilipinas talaga ang parte ng dagat na ito at tama lamang na tawagin itong West Philippine Sea. Sinasabi rin dito na ang 9-Dash line ng China ay walang legal or historical na basehan. Sa madaling salita gawa-gawa lamang ito ng China.
Sa kasalukuyan mainit ang usaping tungkol sa West Philippine Sea kung saan patuloy na ipinaglalaban ng Pilipinas ang karapatan laban sa tahasang pang-aangkin ng China sa nasabing teriloryo.
Patuloy ang pagsasagawa ng patrol mission ng AFP upang patuloy na maprotektahan ang teritoryo kasabay ng kanilang kampanya na magkaisa ang Pilipinas sa kanilang ipinaglalaban.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust