September 8, 2024

ANG ‘ ELECTRO MAN’ NG BANSANG INDIA

New Delhi, India– Masyado tayong pinapahanga ng mga palabas ng mga taong nagtataglay ng kakatwang kakayahan. Ihalimbawa natin si Pepeng Kuryente na ating sariling karakter na ginampana ni Ramon Agimat Revilla Sr. sa naturang palabas ay mayroon siyang taglay na kuryente o hindi nakukuryente.

Subalit, maniniwala ba kayo na may taong sadyang may kaloob sa ganitong kakayahan na walang halong pangdaraa o mahika? Sa naturang nasyon, mayroong lalaki na tinatawag nilang “Electro Man” na sa katauhan ni Rajmohan Nair.

Ang naturang kelot ay naipalabas na sa History Channel premier reality series na “Stan Lee’s Superhumans.” Ito ay patimpalak sa mga taong may pambihirang kakayahan na hindi kaya ng ibang gawin o wala sa iba. Siya ang pambato ng bansang India sa naturang reality show.

Ayon sa mga dalubahasa, si Nair ay immune sa electrocution na ang katawan ang may kakayahang tumanggap ng boltahe ng kuryente na hindi siya napapahamak. Kapag ang suplay ng kuryente ay nasa kanyang katawan na ay papaganahin niya ito sa pamamagitan ng paghawak ng de-kuryenteng mga aparato. Halimabaw ay bombilya na kapag nahawakan na niya ay umiilaw.

Isang eksperimento ang ginawav kay Nair upang kumpirmahin ng naturang reality show ang kanyang kakayahan. Binalutan ang mama ng wire sa buong katawan at pinagana ito ng kuryente habang nakasaksak sa plug.

May hawak noon na bombilya si Nair, at nang dumaloy na ang kuryente s akanyang katawan ay umilaw ito.

Pagkatapos pailawin ang bombilya ay hotplate naman ang pina-ilaw nito. Namangha sa naturang mama ang mga nakasaksi sa kanyang pambihirang talento. Isa pa, umiilaw ang mata niya kapag nakargahan siya ng kuryente sa katawan. Anila, talgang bihira ang may gayung kakayahan.

Nagbabala naman si Nair na huwag gawin o subukan man alng ang kanyang ginagawa at baka ikapahamak lang. Ayon sa host ng naturang show na si Daniel Smith, si Rajmohan ay may tsansang makapasok sa semi- final round dahil sa pagpapakitang gilas.