November 23, 2024

ANG BILANGGUAN SA FILIPOS (GAWA16:16-25)

Isang araw,nang patungo kami sa dakong panalanginan,nasalubong namin ang isang batang babaing alipin.

Ito’y inalilihan ng masamang espiritu na nagbibigay sa kanyang kapangyarihang makapanghula.At malaki ang kinikita ng kanyang mga panginoon dahil sa kanyang pabghuhula.

Sinundan-sundan niya kami nina Pablo,at sumisigaw ng ganito:

Ang mga taong ito’y alipin ng Kataas-taasang Diyos! Ipinahahayag nila sa inyo kung paano kayo magliligtas!” Sapagkat marami nang araw na ginawa na niya ito,nayamot si Pedro Hinarap niya ang bata at sinabi sa espiritu,”

“Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ni Jesu-Cristo: lumabas ka sa babaing Ito!”

At noon di’y lumabas ang espiritu.Nang makita ng mga panginoon ng bata na nawalan sila ng pagkakakitaan,sinungaban nila si Pablo at Silas,kinaladkad patungo sa liwasang-bayan at iniharap sa mga maykapangyarihan.Isinakdal sila sa mga pinuno ng lunsod,at ito ang sinabi, “

“ Nanggugulo po sa lunsod ang mga Judiong ito. Tagtuturo sila ng mga kaugaliang labag sa kautusan nating mga Romano.Hindi natin maaaring tanggapin o sundin ang mga kaugaliang iyan.”

Dinaluhong sila ng mga tao,at matapos pahubaran ng mga pinuno, sila’y paulit-ulit na pinahagupit saka ipinabilanggo at pinabantayang mabuti ipinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ipinangaw ang paa.

Nang maghahating gabi na,Sina Pablo at Silas ay nananalangin at umawit ng mga imno,at nakikinig naman ang ibang bilanggo.(May karugtong abangan sa susunod na labas)