November 3, 2024

Ang alinlangan sa mayorya ni Juan de La Cruz sa COVID-19 vaccine

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Talakayin natin ang tungkol sa COVID-19 vaccine.

Bagamat nakaantabay tayo sa bakuna, mukhang hindi lahat ay bilib dito. Katunayan, may ilan sa ating mga kababayan ang ayaw magpaturok.

Katunayan, nasa 25 percent lang na mag Manileño ang nais magpabakuna sa vaccine. Ito ay batay sa survey ng OCTA Research Group.

Samantalang 28 percent naman ang ayaw at 47% ang wala pang desisyon. Ayon pa sa research, nasa E category ang ayaw magpabakuna (31%).

Sinundan ito ng class D (28%) at class ABC (19%). Ang mga taga-OCTA Reseacch ay binubuo ng nga faculty members ng University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST).

Sila ay undependent at interdisciplinary group. Napag-alaman din na ayaw ng mga taga-Navotas City ang Sinovac at Sinopharm vaccine mula sa China.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, mas gusto nila ang Westrn made vaccines. Katunayan, nasa mahigit 6,000 respondents ang tuugon na nais nila ang gayung bakuna.

Ang tanong dito, mga Cabalen, bakit nag-aalinlangan ang ilan sa supling ni Juan de la Cruz tungkol sa bakuna?

Gaano raw ba katiyak na ligtas ang bakuna? Prayoridad ba ang mga payak na mayorya kung sakaling dumating na bansa ang vaccine?

‘O unang makikinabang rito ang mga mayayaman? Yan ay malalaman natin sa paglipas pa ng mga araw.

Magbabago ba ang pasya ng mga mahihirap o hindi na?