Matinding trapik. Maingay. Mausok. Mainit. Magulo. Ito ang mga katagang angkop para ilarawan ang isang syudad. Ito ang lugar kung saan umiikot ang malalaking komersyo na nagbibigay hanapbuhay sa maraming tao. Ang bawat kabanata ay paniguradong palaging abala at buhay na buhay mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw. Dito mo makikita ang iba’t-ibang uri ng tao at ang ilan na nga sa mga ito ay mga taong mapagsamantala.
Maraming aspeto o paraan para ang isang tao ay maging mapagsamantala. Subalit sa akdang ito, ating siyasatin ang mga taong sinasamantala ang kahirapan upang ang mga taong nakararanas nito ay mapaniwalang kasalanan ng gobyerno kaya sila naghihirap. Nauuwi ito upang kalabanin ng mga walang kamuwang muwang nating kababayan ang ating pamahalaan. Lahat ng ito ay kanilang naisasagawa at naidudulot nila sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng tinatawag nilang indoktrinasyon. Sila ang mga taong palihim na hanapbuhay ang mag alsa laban sa gobyerno. Sila ang mga ahas na alaga ng masmalalaki pang ahas mula sa mga makakakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF.
Maraming paraan ang mga makakaliwa upang makahikayat sila ng mga taong mapapaayon nila sa kanilang simpatya. Madalas ang mga ahas na ito ay nagbabahay-bahay na kunwaring nagsasagawa ng serbisyong pangkomunidad subalit taktika lamang nila ito para makuha ang loob ng kanilang nais biktimahin. At napakahuhusay nila sapagkat nakakaya nilang linlangin pati ang mga taong nasa wastong gulang na at nasa antas na kayang madesisyon para sa sarili. Ito ay dahil magaling silang manlinlang hanggang sa puntong hindi pa nalalaman ng biktima na sya pala ay nirerekrut na ng makakaliwang grupo na ito.
Samu’t sari ang aspetong ginagamit ng mga ahas ng CPP-NPA-NDF para makahikayat sila ng mga taong manlalaban sa pamahalaan. Anumang larangan ay maaari nilang gamitin para mapalabas na may katotohanan at kapakinabangan ang kanilang mga sinasabi. Mula sa usaping trabaho, pabahay, edukasyon at iba pa na madaling makakakonekta ang isang tagapakinig. Kapag ang isang indibidwal ay walang sapat na kapasidad upang siyasatin ang pinagsasabi ng mga ahas na ito ay panigurado ang bagsak niya sa kamay ng mapanlinlang na partido komunista.
Sabi nga na tayong mga tao ang bumubuo at nagpapagana sa gobyerno, at ang gobyerno ang siyang namamahala upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ating lipunan. Kaya at papaano na lamang kung sisirain natin ito dahil sa basta na lamang tayo naniniwala sa mga mapagsamantalang tao sa ating lipunan. Bilang isang mabuting mamamayan, gumawa tayo ng naayon sa pagtingin natin sa isang maunlad na pamayanan at huwag iyong dahil sa matatamis ngunit traydor na salita ng mga ahas na hanggang ngayon ay nagkalat pa rin lalo’t dito sa ating syudad.
Kung sama-sama at magtutulungan tayo, mauubos at mauubos itong mga tinaguriang ahas sa ating lipunan. Simple lang ang paraan – huwag natin silang pansinin at paglaanan ng panahon. Sapagkat ang ahas bagaman makamandag, ay tiyak na may wakas kapag ito ay wala nang makakain na biktima. (PHILIPPINE AIR FORCE)
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI