December 26, 2024

Andrea Brillantes may kapansanan: P’wede akong ututan sa mukha

Ibinunyag ng aktres na si Andrea Brillantes na mayroon siyang karamdaman na naging dahilan kung bakit nawalan siya ng kakayahan na makaamoy.

Sa panayam sa kanya ni karen Davila, ibinahagi niya na mayroon siyang Congenital Anosmia na isang inborn condition kung saan ay nawawala ang sense of smell ng isang indibidwal na mayroon nito.

Ayon sa kanya ay nadiskubre nila ang kanyang kondisyon ng siya ay “ututan” ng kanyang mga magulang.

“Wala po akong pang-amoy… as in puwede po akong ututan sa mukha. Doon ko po actually nalaman kasi inututan ako ni daddy dati tapos silang lahat hinintay nila yung reaction ko. Doon ko na-realize, hala may mali ba sa akin?” kwento ni Andrea.

“Eh yung ate ko maraming pabango, mahilig sa mga pabango. Pumunta ako ng cabinet niya spray spray lang ako diyan tapos umiinit na yung leeg ko sa kaka-spray ko tapos wala akong naaamoy. Ang meron lang ako sensation, kapag yung rubbing alcohol yung parang lalamig. Yun lang, yung mga cooling-cooling pero amoy po, wala talaga,” dagdag niya pa.

Dahil dito ay kapag mayroon siyang pabango ay kailangan pa niyang ipaamoy ito sa mga kasama niya upang malaman niya kung bagay ba ito sa kanya.

Hindi rin siya sigurado kung pati ang kanyang panlasa ay naapektuhan sa kanyang kondisyon.

“Sa akin po kumpleto naman pero hindi ko po masasabi kasi ipinanganak akong ganito so hindi ko mako-compare kung anong natitikman ninyo sa natitikman ko. So hindi ko alam if kulang yung saakin. Pero sabi nila ate kulang kaya daw ako mahilig sa mga sobrang maasim, maalat, sweet… Pinaka mahirap po is panis na pagkain kasi hindi ko alam,” kwento pa niya.