Paksa ng usapan ngayon tungkol sa trade rumor si Cleveland Cavaliers big man Andre Drummond. Isa si Drummond sa ipapalaot sa trade deadline sa March.
Nais ng Cavaliers na ipain ang former all-star sa trade. Sa gayun ay makakuha sila ng player na fit sa kanilang sistema. Kaugnay dito may ilang teams ang interesado sa serbisyo nito.
Ayon sa source, isa na rito ang Miami Heat at Brooklyn Nets. Eeksena rin ang Milwaukee Bucks at Los Angeles Lakers.
Ito ang nabanggit ni Jason Lloyd ng The Athletics sa posibleng option kay Drummund. Lalo na kung malalagay ito sa buyout.
“It only takes one injury or one team to change its mind, but at this point, Drummond seems headed for a buyout.”
“Miami, Milwaukee, Brooklyn and the Lakers all make sense on some level if Drummond is bought out by the Cavs,”batay sa post ng NBA Central kaugnay sa pahayag ni Lloyd.
“Hopefully, Andre Drummond is able to go to a solid franchise, and prove his ability in a contract year,” aniya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!