Hindi lamang pumasa kundi napasama pa sa top 10 ng criminology licensure examination ang isang anak ng kasambahay at driver.
Kabilang ang Trinidad Municipal College graduate sa bayan ng Trinidad, Bohol na si Crisiolo Macas Langamen Jr., sa 12,698 examinees na nakapasa sa pagsusulit noong June 19.
“Di ko inaasahan kasi sobrang dami ng nag-take at ang dami ng magagaling,” ayon kay Crisiolo.
“Pinapanalangin ko na sana maging posible. Pero alam ko sa sarili ko na papasa ako.”
Lumanding siya sa 8th spot sa iskor na 88.30%.
Nanguna sa ranking ang University of Mindanao-Davao City graduate na si Lyen Carel Togonon Garcia sa 90.70% rating.
Nakuha raw sa dasal at pagtitiyaga ang kanyang pagiging topnotcher.
Sabi nga ni Crisiolo, pinagtiyagaan niya ang mag-review ng isang taon. Marami siyang hinarap na pagsubok.
Hindi biro ang 12 hanggang 16 hours araw-araw na nagbabasa at nakikinig ng lectures.
Post niya sa Facebook (published as is): “Isa lang po akung average na student, in fact since elementary to college di ko pa naranasan yung maging honor student.
“Noon masaya na ako sa 75 na grades.”
Ang susi niya sa tagumpay: “Preparation and prayer.”
Dugtong niya, “Study kahit masakit na sa ulo, kahit pagod, kahit walang pera, kahit gutom.”
Makahulugan pa niyang pahayag, “Di talaga nawawala ang negativities sa buhay, meron talaga iyan.”
Kaya ginawa raw niyang motivation ang mga pangyayaring ito.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna