Sinagot ni Amir Khan ang panawagan ni Conor Benn (18-0, 12KO’s) na gusto siya nitong makalaban. Ito’y matapos likidahin ng ‘The Destroyer’ si Samuel Vargas sa laban na idinaos sa Copperbox Arena sa London.
Doon nga ay na-calling out ni Benn, 24, ang pangalan ng Olympic silver medalist na si Khan.Binati pa ng British pug sa pagkapanalo si Benn. Gayunman, sinabi nitong may sense ang hamon.
Pero, hindi nya kakagatin ang hamon nito dahil hindi siya interesado. Papayag aniya siya kung big time na si Benn.
Kung mayroon daw itong title belts, kakasa siya sa challenge nito.
“Conor well done. Great kid, wish him the best,” saad ni Khan (34-5, 21 KO’s) sa Twitter.
“At his age I was a world champ. Maybe if he had some belts that fight would make sense but he’s got a long way to go yet.”
Bukod kay Khan, hinamon din ni Benn ang welterweights na sina Errol Spence at Adrien Bronier.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na