Masaya ang veteran actor at markadong sidekick ni FPJ na si Amay Bisaya sa pagsapit ng kanyang kaarawan noong April 3.
Ipinagdiwang ito sa bahay ng kanyang kaibigang si Ka Heber Bartolome sa Banlat sa Tandang Sora, Quezon City.
Simple lang ang naging selebrasyon ng kanyang birthday. Na dinaluhan ng kanyang malalapit na mga kaibigan. May matching tugtugan pa at giveaways ng t-shirt na may tatak ng kanyang pangalan.
Gayunman, nasunod ang safety health protocols ng kinauukulan dahil may social distancing ang bawat bisita.
Kabilang na rito ang mga matitikas na mga musikero at singers na nagperformed ng mga awitin. Kabilang na si Baby Shake Rico, Neri Moreto, Jessie Bartolome, Prof. Jerry Dadap ng Andres Bonifacio Choir, Arellano Yu at John Metrio
“Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil kahit pandemic at may ECQ, buhay pa tayo. Masaya na ako na regalo Niya sa akin ang isang taong karagdagan sa aking buhay,”pahayag ni Amay.
Malaki naman ang pasasalamat niya kay Ka Heber Bartolome dahil sa pagsuporta nito sa kanya.
“Very thankful talaga ako kay Ka Heber. Kaibigan natin ‘yan. Salamat sa kabtihan at kabaitan mo sa akin.”
“Sa lahat ng pumunta at nakisaya sa munting celebration, maraming salamat sa inyo. Masaya ako na nairaos ko ang aking birthday,”dagdag pa ni Amay.
Si Amay o si Roberto Gloria Reyes ay Vice President ng Actors Guild of the Philipppines (KAPPT). Ang Pangulo nito ay ang veteran OPM singer na si Imelda Papin.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA