Ilang taon pagkatapos magretiro, balik NBA si dating Phoenix Suns player Amar’e Stoudemire, 37-anyos. Magiging bahagi siya ng coaching staff ng Brooklyn Nets.
Dahil dito, makakasama niya ang dating kakampi sa Phoenix na si Steve Nash. Kaya naman, optimistiko ang Nets na magiging maganda ang 2020-21 season ng team.
Nagkasama ang dalawa sa Suns ng 6 na seasons. Ito’y mula 2004 hanggang 2010.
Huling naglaro sa liga si Amar’e noong 2015-16 season. Nakapagtala ito ng 15,994 career points sa loob ng 846 games sa 4 na team.
Bukod sa Suns, nakapaglaro rin si Stoudemire sa New York Knicks, Dallas Mavericks at Miami Heat.
Ang papel ni Stoudamire sa team ay magfocus sa development ng players. Tatayo rin siyang assistant coach.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT