
NAARESTO ng mga awtoridad ng Taytay, Rizal ang isang 26-anyos na suspek na nang-hostage sa kanyang anak na 1-anyos na babae.
Ayon sa pulisya, nagana pang hostage-taking sa Barangay Sta. Ana dakong alas-7:00 ng gabi nitong Sabado.
Ayon kay Rizal Police Office Director Police Colonel Felipe Maraggun, una nang inakusahan ng live-in partner ng suspek ang paulit-ulit umanong pangmomolestiya sa kanyang 13-anyos na stepdaughter.
“Ginawa niya halos sex toy yung bata. Tuwing may pagkakaton siya, nire-rape niya,” ayon sa live-in partner.
Ayon pa sa partner nito, bumalik ng probinsiya ang suspek, pero hindi niya alam na uuwi ito sa kanilang bahay noong Sabado ng gabi. “Pagtapos nun, tumakbo na siya hanggang highway daladala yung baby. Binaliktad niya yung bata at sinabi niya hindi lang ako mamatay ngayon, mangdadamay ako,” ayon sa tiyahin ng biktima.
Matapos ang ilang oras na negosasyon, sumuko ang suspek sa mga awtoridad.
Nagtamo ang baby ng maliit na sugat sa leeg kung saan itinutok ng ama ang matalas na bagay.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Taytay Municipal Police Station.
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!