
Buhay pa ang pag-asa nina Alyssa Valdez, Jaja Santiago at women’s national team sa bronze medal. Bagamat medyo inalat ang kampanya sa 31st SEA Games, may tsansa pang makapag-uwi ng medal.
Sa huling laban, natalo sila sa host team na Vietnam sa 3 sets, 25-23, 25-18, 25-16. Lumamang ang Pinay squad sa first set, 16-13. Subalit, rumatsada ang Vietnam at natalo pa sila. Nagtuloy-tuloy ang buwenas ng Vietnamese volleybelles hanggang 3rd set.
Gayunman, pasok pa rin ang team sa bronze medal match. Ang dahilan, nagtapos ang Malaysia sa final spot na 0-4. Tinalo ng powerhouse Thailand ang Malays, 25-11, 25-18 at 25-12 sa huling match nito.
Nasa fourt place ang PH team na may 1-3 record. Pangatlo naman ang Indonesia na may 2-2 cards.Ang dalawang teams din ang maaaring magtapat sa bronze medal match sa Sabado.
Samantalang ang top 2 teams naman ang maglalaban sa gold medal. Ito’y sa pagitan ng Thailand at home team Vietnam.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA