Humingi ng tawad si dating speaker at Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez dahil sa kanyang panawagan sa Armed Forces of the Phillippines (AFP) na bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang statement, sinabi ni Alvarez na nadala lamang siya sa bugso ng damdamin kaya nasambit ang mga salita na ang layunin ay humupa umano ang tensyon sa West Philippine Sea.
Giit ng kongresista, mahal niya ang Pilipinas lalo na ang Mindanao ngunit kinakaladkad umano tayo ng Malacanang patungo sa giyera kontra China.
Hindi rin aniya katumbas ng sedition o rebelyon ang kanyang apela sa AFP dahil maayos at tahimik ang ginanap na prayer rally sa Tagum City.
Kasunod ng mga maaanghang na pahayag ni Alvarez, hinimok naman ng ilang leader sa Kamara ang mga awtoridad na sampahan ng kaso ang dating Speaker upang panagutin at mapigilan ang destabilization plot laban sa gobyerno.
Punto nina House Majority Leader Mannix Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at Deputy Speaker David Suarez, dapat kumilos ang mga kinauukulan upang maitaguyod ang integridad ng mga institusyon at maprotektahan ang democratic process.
Bukod sa hindi katanggap-tanggap at maituturing na direktang pag-atake sa democratic institutions, “seditious” at sinisira anila ng mga pahayag ni Alvarez ang stability ng pamahalaan at ng rule of law.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO