Magandang balita para ating mga Pinoy athletes ang isinusulong na ‘Bayanihan To Heal As One Act’. Kung sakaling makalulusot sa Kamara ang ikalawang edisyon nito, makatatanggap ang mga atleta ng buwanang allowances ng walang kaltas.
Ayon kay Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, isang malaking tulong ang isinusulong na bill sa Kamara upang mabigyan ng allowances ang lahat ng kasapi ng national team at mga coach. Aniya, suportado nina Senate president Tito Sotto at House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukalang bill.
Layun ni Tolentino na maibigay ang ayuda ng libu-libong national athletes at coaches ngayong buwan ng Hulyo hanggang Disyembre ng kumpleto.
Ang bawat atleta ay may bracket kung magkano ang kani-kanilang matatangap na allowance. Ang pinamataas na natanggap ay umaabot sa P60,000 at P15,000 naman ang pinakamababa.
“With the speaker (Cayetano) on board, we are trying to put it on Bayanihan 2. Senate President Sotto also gave me a nod,” saad ni Tolentino, President ng Philippine Olympic Committee (POC), ang Olympic body para sa bansa.
Napapanahon aniya sa ngayon ang isinusulong na batas dahil natapyasan ang monthly remittance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Philippine Sports Commission (PSC). Anupa’t nagpasya ang ahensiya ng pampalakasan na bawasan ng 50 percent ang monthly allowances ng mga atleta. Sa gayun ay magkasya at umabot ang pondo ng ahensiya hanggang sa katapusan ng taon.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison