December 24, 2024

Allowance para sa mga atleta at coach muling matatanggap sa Pebrero

Itutuloy na ng Philippine Olympic Commission (POC)  at  Philippine Sports Commission (PSC) sa wakas ang naantalang allowances para sa mga atletang Pinoy at coaches ng National Training Pool (NTP) sa darating na Pebrero.

Magugunita na itinigil ang pamimigay ng allowance sa mga kaawa-awang  atleta at coaches noong Disyembre ng nakaraang taon dahil sa mga usapin at anomalyang bumabalot sa pamunuan at opisyales ng mga sports organization.

Labis na ikinalulungkot ni dating Makati Representative at Philippine Taekwondo Champion Monsour del Rosario ang kawalan ng suporta ng pamahalaan sa mga atletang Pinoy. Mula noon hanggang ngayon hindi nabibigyan ng importansiya at halaga ang pagsisikap at kontribusyon ang mga atleta na nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Aniya, simula noon hanggang ngayon ay patuloy niyang inilalaban ang karapatan ng mg atletang Pinoy, subalit natatalo ng masalimuot na pamumuno ng mga ahensiya na sumasakop sa sports, kung kaya lalong hirap ang mga ito para itaguyod ang kanilang mga kakayanan.

Ang pagputol sa kakarampot na allowance ng mga atleta at coaches ay nag-ugat sa maanomalyang pamamalakad ng POC at PSC. Pinapasok ng pulitika kasabayan ang korupsiyon sa mga ahensiya na dapat sanang siyang nangangalaga sa mga kaawa-awang atleta.

Ang mahirap na situwasyon ay lalo pang pinahirap ng pandemiya. Maliban sa naputol na allowance, ay hindi na din tinustusan ang training ng mga atleta dahilan para matengga ang mga ito.

Ang pagpasok ng mga pulitikong nangungurakot ang itinuturong dahilan ng mga atleta kung bakit nagkakagulo sa daigdig ng sports. Wala nga bang puwang ang mga pulitiko sa larangan ng sports dahil walang alam ang mga ito kung ano ang kailangan at kung paano alagaan ang mga atletang Pinoy.

Sa bisa ng sirkular ng Philippine Sports Commission (PSC) sa National Sports Association nitong Enero 18, 2021 isinasaad ang pagpapatuloy ng itinigil na allowance ng mga atleta at coach simula sa Pebrero. Pinapakalap ng PSC sa NSA ang mga dokumento hanggang Enero 29, 2021. Kapag naisumite, muling magre-resume ang pamamahagi ng allowances sa Pebrero 2021.

Kaugnay nito, may limang (5) strict resolution na ibinaba ang PSC sa advisory dapat ay sundin at ipatupad ng NSA.

Una, ang resolution 241-2020, kung saan ang dapat mabigyan ng allowances o panustos ay yang Olympic qualifying events. Gayundin ang mga atleta’t coaches na papalautin sa olympics.

Ikalawa, 1198 (E)- 2020:  dapat na ihayag o maglabas ng dokumento ang NSA pati ang members at opsiyales nito, atleta, coaches—  kung sila ay nakatanggap ng donasyon mula sa private sectors.

Ikatlo, 1231-2020: Dapat na gumugol ang NSA ng expenses sa pagsasanay ng mga atleta. Kabilang dito ang paglilipat ng equipment mula sa unang lunan patungo sa iba.

Ikaapat, 1262 (B)- 2020:  Ang pagrequest ng retroactive effect ng monthly allowances ng coaches at mga atleta ay dapat iwasan.

Panghuli, 1283-2020: Ang allowance ay hindi ibibigay sa mga lalabag sa panuntunan ng PSC kung hindi makakapag sumite liquidation requirements at kabagalan sa pagsumite ng iba pang kaukulang pepeles.