Hindi na masisilayan pa si Alister Borabo na maglalaro ng volleyball dito sa darating na UAAP Season 84. Napag-alamang umalis na siya sa DLSU Lady Spikers. Nagpasya na itong sumali sa isang team sa California. Si Borabo ay na-recruit ng DLSU noong 2019 para maglaro sa UAAP Season 82.
Ayon sa source, dahil sa dalawang taon nang walang UAAP season dahil sa pandemya, Kaya, nagdecide na itong mag-aral sa Amerika. Doon na rin umano siya maglalaro ng volleyball.
“I decided it was the better choice to continue my studies and play volleyball in the US,” ani ng 5-foot-10 outside hitter.
Kahit maikling panahon lamang ang kanyang playing stint sa DLSU, masaya siya na naging bahagi ng team.
“I’m forever grateful for the opportunities DLSU gave me and will always hold the experience dear to my heart,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2