November 17, 2024

‘Alinsunod sa US sanctions laws’ SMNI NEWS, KOJC CHANNELS SINIBAK NG YOUTUBE

TULUYAN nang na-terminate ang YouTube channels ng media network ng SMNI News at megachurch na Kingdom (KOJC), na kapwa itinatag ni Pastor Apollo Quiboloy.

Biyernes nang pumutok ang balitang hindi na mahanap sa Youtube ang opisyal na channel ng nasabing media entity, bagay na hindi na mapupuntahan kahit hanapin sa kanilang website.

Tinanggal din ang YouTube channel na “Laban Kasama Ang Bayan” kung saan ang dating Duterte government official na si Lorraine Badoy ang naturang host.

Sinabi ng Google — ang parent company ng YouTube —na may kinalaman ang pagkakabura sa ng SMNI News ang sanctions ng Estados Unidos kay Quiboloy.


Matatandaang na-terminate ang YouTube channel at TikTok account ni Quiboloy matapos ireklamo ng netizens dahil sa kanyang pagiging wanted sa U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa kaso ng sex trafficking ng mga bata.

Kilala ang SMNI News sa pagkakaroon ng mga programang naging lunsaran ng red-tagging laban sa mga peryodista at ligal na aktibista maliban pa sa disinformation. Si Quiboloy ay spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na binansagan ang sarili niyang “Appointed Son of God.”