London, England- Isang Russian politician ang nagpahayag noon na siya umano ay dinala sa spaceship; kung saan ay nakita’t nakausap niya ang mga alien na nakasuot umano ng yellow spacesuits.
Ang naturang pulitiko na ito ay si Kirsan Ilyumzhinov, isang pinuno ng timugang rehiyon ng Kalymkia ay tahasang nagsalita na gayun nga ang nangyari. Nariyang nagsalita pa siya sa isang Russian primetime television show tungkol sa naturang kakatwang naganap sa kanya kapiling ang mga aliens.
Aniya, dinala siya sa spaceship na ipinadala umano sa mundo. Doon ay nakipagtalakayan siya sa mga kakatwang mga nilalang na pawang nakasuot ng dilaw na space suits. Ang nakakalokong pahayag na ito ni Kirsan ay iniulat din ng pahayagang The Sun noong ika- 6 ng Mayo 2010, araw ng Huwebes at gayun din ng YAHOO News.
Pinahayag ni Ilyumzhinov sa Channel One noong ika-26 ng Abril 2010, na siya’y gumugol ng ilang oras sa piling ng mga aliens na bumisita rin umano sa kanyang apartment sa Moscow noong ika- 18 ng Setyembre 1997. Aniya, matutulog na umano siya noon nang may tumawag sa kanya mula sa balcony.
Kaya, lumabas siya roon at nakakita siya ng half-transparent half tube spaceship. Kaya, pinasakay siya nbg mga alien na ayon sa kanya ay kamukha rin ng mga tao at binigyan siya ng biyahe sakay ng spaceship.
“Tinatanong ng ilan sa akin na kung anong lengguwahe ang ginamit ko para makausap sila. Pero, ang mahalaga roon ay ang pagpapalitan ng ideya. Naparito sila upang kumuha ng samples,” pahayag ng naturang pulitiko.
Si Russian MP Andre Lebedev ay humingi noon ng puweba at ebidensiya sa naturang pahayag ng pulitiko at humngi rin ng pormularyo at gabay kay Kirsan kung ano ang dapat gawin ng mga pulitiko kung sakaling kidnapin umano ng mga aliens.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA