May 19, 2024

ALEX GONZAGA, KAHIT WALANG TV SHOW KUMIKITA NG MILYON SA YOUTUBE

HINDI naman nagwo-worry itong si Alex Gonzaga, kahit ang iba ay nag-aalala dahil sa COVID-19 pandemic. Marami kasi ang nawalan ng trabaho, mga negosyong nalugi, at nagsara dahil sa pandemya.

Si Alex, kahit wala siyang show o project, kumikita naman siya sa YouTube na pinagkakaabalahan niya ngayon. Kahit may pandemic, milyon pa rin ang kanyang kinikita. Talo pa niya ang mga may show, kaya sobrang happy ni Alex.

Sikat si Alex Gonzaga sa YouTube, umani ng million views at subscribers ang kanyang channel na mabilis na nag-trending. Naka 8 million na nga ito at patuloy pa rin sa pag-trending. Hindi bababa sa 6 milyon ang kita ni Alex kada buwan kaya okay lang sa kanya kung wala siyang show o movie na ginagawa sa ngayon.