DEDMA lang itong si Alex Gonzaga, kung nalamangan na nga siya ni Ivana Alawi sa pagiging reyna ng YouTube. Ini-enjoy lang ni Alex, ang mga YouTube story na kanyang ginagawa. Hindi naman niya ito kinakarir nang todo.
“Para kay Alex Gonzaga, gusto lang naman niyang ma-enjoy ng mga subscribers niya ang mga video na ina-up load niya sa YouTube. Masaya nga siya dahil ang laki ng kanyang viewers, at ang balita nga namin ay lumagpas na ito sa 8 milyon.
“Tungkol naman sa reyna isyu, hindi naman daw siya nakipag compete. Para sa kanya mas marami mas masaya, maraming mapapanood ang mga YouTube followers. Kaya hindi naman siya apektado sa reyna isyu na iyan. Ang mahalaga sa kanya ay ang suporta ng kanyang mga followers na, patuloy na sumusuporta sa kanya,” pahayag pa ng aking kausap na malapit kay Alex Gonzaga.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA