Umusad si Alex Eala sa second round ng W25 Corroios Seixal tourney sa Portugal. Nilampaso ng Pinay tennis sensation si Eva Guerrero Alvarez ng Spain (6-3, 2-6, 6-2) sa round of 32.
Makakaharap naman ng 17-anyos na netter si Alexandra Bozovic ng Australia bukas. Impresibo rin si Eala sa women’s doubles. Kung saan, siya at ang Fil-Aussie partner na si Lizette Cabrera ay nagwagi. Dinaig ng tandem nila sina Mariana Galvao Borges at maria Beatrix Teixeira.
HInarap din nila sina Justina Mikulskyte at Hong yi Cody Wong sa quarterfinals. Kagagaling lang ni Eala sa W25 Palma del Rio last week. Matapos ito, nanalasa ang Rafael Nadal Academy scholar sa Corroios.
Target ni Alex ang kanyang third pro singles title, sapol nang magwagi sa W25 Chiang Rai last April. Puntirya niya rin ang kanyang unang doubles title.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo