
Talsik si teen tenis sensation Alex Eala sa kanyang Miami Open debut. Tinalo siya ni hometown beat Madison Brengle sa straight sets, 2-6,1-6 sa Hard Rock Stadium sa Miami.
Maganda ang palo ng SEA Games -bound sa kanyang pasok na tira. Napanatili niya ito sa buong match. Gayunman, di nakaisa ng No.59 Pinay ang upset sa larong tumagal ng 1 hour at 12 minutes. Sadyang pinahirapan din siya ng WTA 59th-ranked American.
Malaking dagok din sa 16-anyos na netter ang two double faults sa first set. Na sinamantala ni Brengle sa huge 5-0 lead.
Naitarak ni Eala ang wildcard birth sa main draw ng torneo. Ito’y matapos lumahok sa qualifying noong nakaraang taon. Kung saan, nabigo siya kay Viktoria Kuzmoa ng Slovakia, 6-4,4-6,2-6.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo