Muling kumislap si Alex Eala sa muling pagpalo nito sa tennis circuit. Matapos ang matagumpay na kampanya sa French Open nitong weekend, sumabak si Eala sa 2021 ITF World Women’s Tennis Tour.
Angat ang tambalan nila ni worlds juniors no. 1 Victoria Jimenez Kasintiseva sa torneo sa Ciudad Raqueta sa Madrid, Spain.
Sinilat nina Eala at Kasintiseva ang tambalan nina no. 2 seed Robin Anderson ng USA at Isabela Shinikova ng Bulgaria, 6-3, 7-6 (3). Dahil dito, abanse ang dalawa sa second round.
Ang fresh partnership nina Eala at Kasintiseva ay di nakitaan ng alat ng pagiging debut jitters. Tinapos ng dalawa ang laban sa loob ng 1 oras at 18 minutes. Kahit na medyo nangapa at nahirapan sila sa kalaban, nakaalagwa ang dalawa.
Nagsimula ang buwenas nila nang makalamang ng 15-30 sa tenth game. Pagkatapos nito, sinikwat ng American-Bulgarian ang last three points. Dahilan upang itabla ang laro sa 5-all deadlock.
Naging komportable rin ang pagrekta nila sa 7-3 win dahil sa magagandang palo. Haharap ang Filipino-Andorran at si Kasintiseva kina Ashley Lahey ng USA at kay Olivia Tjandramulla sa quarterfinals.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!