December 19, 2024

ALDEN RICHARDS, NILILIGAWAN NA RAW SI KATHRYN BERNARDO?

KALAT na ang mga chika tungkol kay Alden Richards at Kathryn Bernado, bukod sa magsasama ang dalawa sa isang pelikula ay heto na ang pasabog na chika ng taon. Si Alden, nag-start nang manligaw kay Kathryn Bernado, totoo kaya ito?

 “Wala pong katotohanan ‘yan. Hindi po totoo. Kasi parang ginagawan na naman ako ng issue para mapunta sa akin ‘yung blame, ‘di ba? Parang nananahimik ako, so ngayon po, wala pong ganu’n. Hindi po ‘yun totoo,” saad ni Alden Richards.

 “I know my place in the industry and hindi po ako nakikisawsaw sa issue ng kung sino man,” saad pa ni Alden.

Nakapag reach out ka na ba kay Kathryn Bernado?

 “Hindi ko pa po nagawa. Kasi siyempre, that’s her personal and nu’ng ginagawa po namin ang Hello, Love, Goodbye, parang ‘yun din ang respect ko. Anything that has to do with that angle, ‘yung sa kanila ni Daniel, hindi po ako nakikialam.

“So I keep that oath po, and para hindi na lang din po tayo masyadong maraming… hindi ko na po ini-involve ‘yung sarili ko with this issue. Kasi malaki na po siya as it is,” Paliwanag pa ni Alden Richards.

So, hindi pa pala siya nag reach out para ligawan si Kathryn Bernado.