June 28, 2024

ALDEN RICHARDS, NAUNGUSAN NA NI JOSH CULLEN SANTOS SA SEXIEST MAN IN THE PHILIPPINES 2020

Binalikan namin ang online poll ng isang entertainment blog na Starmomoter kung saan ipinost nila last August 5 na naungusan na ni Josh Cullen Santos ng SB19 si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa semi-final ng Sexiest Man in the Philippines 2020.

Sa labanang ‘The Sexiest Man in the Philippines 2020’, lamang na si Josh Cullen Santos sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Nasa 3rd place naman si Ion Perez, pang-apat si Kokoy de Leon ang Gameboys BL series, panglima ay si Enrique Gil at pang-anim ay si James Reid.

Sa semi-finalist ng top 6, laglag si Daniel Padilla. Ang pumalit sa kanya ay si James Reid mula iyan sa 20 nominated actors na hinayag last August 14, 2020. Ang global fan vote ay nagsimula na rin at ito’y magtatapos ng alas-12:00 ng tanghali ng August 24, 2020 sa apat na platforms ang Facebook, Instagram, Twitter at online poll. Ang pinakamaraming boto ang siyang tatanghaling Sexiest Man In The Philippines 2020.

Ang tumatayong defending champion ay kung hindi si Alden Richards, kung siyang muli ang mananalo ay tiyak nang ie-elevate siya sa pagka-Hall of Fame.

Narito and voting score nang top six, Josh – 1,252,394 votes. Alden – 1,124,096 votes. Ion – 177,456 votes. Kokoy – 168,405 votes. James 208, at Enrique – 100,033 votes.

Tiyak na hindi papayag ang mga fans ni Alden Richards na hindi manalo ang kanilang idolo at tiyak na super effort ang kanilang gagawin makuha lang nilang muli ang nasabing titulo.