December 24, 2024

Albay Gov, kinilala ang ginampanan ni Villar sa agricultural transformation ng kanilang lalawigan

KINILALA ni Albay Gov. Al Francis Bichara ang mahalagang kontribusyon ni Sen. Cynthia Villar sa agricultural development ng kanilang lalawigan.

“Today, many people have labelled the last three years 2017-2019 the start of the agricultural transformation of Albay. This is partly because of Villar’s strong passion and determination which revolutionized agricultural development and improved the farmers and fisherfolks’ way of life,” ayon kay Bichara. 

Sinabi ni Bichara na noong 2017, isinama ni Villar ang iba pang government officials at inikot nila ang pinakamagaling at pinakabago at state-of-the-art agricultural farm technologies sa Israel. Ani Bichara, ang paglalakbay na ito ang naging inspirasyon niya upang mag-innovate at mag-adapt at para mag-isip na maging global subalit lokal pa rin. 

Ipinahayag ni Bichara na isinunod ang Albay Farmers’ Bounty Village Farm Schools and Assessment Center sa Israeli ingenuity subalit Pinoy ang disenyo nito. 

Matatagpuan sa Camalig, Albay, nakakatulong ito upang mapabuti ang buhay ng Albayano food producers sa pamamagitan ng entrepreneurship at farm enterprise capacity-building.

Dahil sa proyektong ito, napanalunan ni Bichara at lalawigan ng Albay ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) National Kabalikat Award. Ang Kabalikat Award ang pinakamataas na government award na ibinibigay sa mga institusyon at natatanging indibiduwal na nag-invest at nakipag-partner sa TESDA para sa human capital development.

Pinasalamatan ni Villar si Bichara sa pagkilala sa kanyang naiambag sa agricultural development ng Albay. 

“Rest assured, I will continue my work to improve the lives of our kababayans in the farming and fishing sectors with the cooperation of local government units,” ani Villar.

Sinabi ng chairperson ng Senate Committee of Agriculture and Food na bilang ‘national goal,” higit na makakamit ang agricultural development sa pamamagitan ng LGUs. 

Inihain niya ang Senate Bill 1138 o ang Local Government Agriculture Development Act na naglalayong maging institutionalize ang 10 percent na budgetary allocation mula LGU’s internal revenue allotment para sa pagpapatupad ng mga programa sa agrikultura at at pangingisda. 

“We need to strengthen local government participation in agriculture development by making sure programs for agriculture will be funded and consistently implemented whoever gets elected– advocate man ng agriculture ang mayor or governor o hindi,” sabi pa ni Villar.

“Just like how LGUs were required to allot a budget for Gender and Development Program, we want local agriculture development programs to be funded also,” dagdag pa niya.

Noong January 2017, inimbitahan ni Israeli Ambassador Effie Ben Matitayu si Villar para sa isang working visit sa Israel upang ipakita ang mga developmental project at mga ideya sa sektor ng agrikultura. 

Bukod kay Bichara, kasama rin sa official delegation ang local government officials mula sa Misamis Oriental, La Union, Tarlac, South Cotabato, Leyte, Nueva Vizcaya at Bataan. 

Kabilang sa itinerary ng 4-day official visit ang Israel Ministry of Agriculture, MASHAV (Israel’s agency for international development and cooperation) Agricultural Traning Center sa Shefayim at tour sa propesyunal at makabagong agricultural farms ng bansa. Nakipagkita rin ang delegasyon sa Filipino on-the-job training students ng agrostudies.