TINANGGAL ng House of Representatives sina dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Rep. Isidro Ungab bilang deputy speaker.
Pinalitan sila nina isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano at Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, tanging ang mga deputy speaker na sina Arroyo at Ungab ang taning hindi pumirma sa isang resolusyon na naglalayong pigilan ang mga banta laban sa mababang kapulungan.
“The House leadership, in its collective capacity and after careful deliberation, has made the decision to relieve Deputy Speakers Gloria Macapagal-Arroyo and Isidro Ungab of their leadership positions,” ayon kay Dalipe.
“This decision stems from the fact that out of the nine Deputy Speakers, only Deputy Speakers Macapagal-Arroyo and Ungab chose not to sign a pivotal House resolution sponsored by the entire leadership,” dagdag ng House leader.
Kasunod nito, tinukoy ni Senior Deputy Speaker Aurelio ”Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga, na si dating pangulong Duterte ang isa sa mga nais manira sa kapulungan na naunang tinawag ng huli na “bulok” na institusyon.
Matapos nito, inaprubahan ng Kamara ang House Resolution 1414 upang itaguyod ang integridad at dangal ng kapulungan, at pagsuporta sa liderato ni Romualdez.
Sinabi ni Dalipe nitong Martes na bagaman iginagalang ng liderato ng Kamara ang opinyon at desisyon ng bawat kongresista, may pagkakataon umano na dapat nagkakaisa lalo na sa mga mahahalagang pagkakataon.
“The House leadership respects the right of each member to their individual opinions and decisions. However, leadership positions come with certain responsibilities and expectations,” ani Dalipe.
“One of these expectations is to be aligned with the collective decisions of the leadership, especially on matters of significant importance to the institution. By choosing not to sign the resolution, [then] Deputy Speakers Macapagal-Arroyo and Ungab have demonstrated that their perspectives differ from the collective stance of the leadership,” dagdag niya.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI