ANGELES CITY – Pinuri ni Alaska Aces head coach Jeffry Cariaso ang ginawa ng kanyang mga players kay Paul Lee.
Bagama’t nakapagtala ng double figures si Lee, napigilan pa rin siya. Dahilan upang papakin ng Aces ang Magnolia, 87-81. Inasawa nina Mike DiGregorio, Rodney Brondial, Jayvee Casio at MJ Ayaay si Lee. Kaya nagmimintis ang ilang tira nito.

Isang jumpshot ang pinakawalan ni Robert Herndon ng Alaska Aces laban sa Magnolia Hotshots sa PBA Bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center, Clark, Pampanga. Wagi ang Aces sa iskor na 87-81. Gerard Villota
“I think Mike did a great job of carrying out that responsibility, so did Rodney, so did Jayvee, and so did MJ Ayaay.”
“That was really our purpose, to get a few guys guarding him (Lee),” saad ni Cariaso.
Hindi na hinayaan ng Aces na gawin muli ni Lee ang heroic act nito noong Miyerkules kontra NLEX, 103-100.
“(In) guarding Paul Lee, you need to be ready, you need to be focused and a lot of their offense revolves around him. So, we just wanna mix it up a little bit,” ani Cariaso.
“Happy with the way our guys performed.” Susunod na makahaharap ng Aces ang Blackwater (2-1) sa Martes.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo