Ano na ang magiging buhay ni Juan De La Cruz kung patuloy ang problema sa ating bayan? Balisa sa araw-aaw ang kagaya ni Juan. Humaharap sa hamon ng pandemya at epekto nito.
Marami ang nawalan ng trabaho dahil nagsara o tengga ang negosyo. Kaya, saan kukuni ng obrero ang kanilang budget?
Isabay pa ang kabi-kabilaang problema. Nariyan ang diskriminasyo sa mga hindi bakunado, ayuda sa mga pook na isinailalim sa granular lockdown at iba pa.
Ayon sa mga LGU’s, masasaid na sila kapag patuloy pa ang paglalatag ng lockdown. Saan daw sila kukuha ng pondo para pamudmod sa kanilang mga constituents? Isama pa ang problema sa kalamidad gaya ng pagbagyo, lindol at pagbaha.
Masyado nang laspag ang buhay ni Juan. Kawawang-kawawa. Sana’y mahaba ang pisi ng pagtulong ng pamahalaan at ng kinauukulan. Hindi ang pamumulitika.
Kailangan na kailangan ni Juan ang tulong ng may kapangyarihan. Na alalayan muna sila hanggang sa makabangon sa pandemya.
More Stories
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
Ang Teleseryeng Pilipino Bilang Pagpapahalagang Moral