November 24, 2024

AL RIYADI PANALO, STRONG GROUP NATALO SA CHAMPIONSHIP

HINDI naigupo ng Strong Group Athletics ang Al Riyadi na makamit ang kampeonato sa 33rd Dubai International Basketball Championship sa score na 74-77 nitong Lunes (oras ng Maynila).

Ang Al Riyadi, ang nagtatanggol na kampeon, ang parehong koponan na humarap sa Strong Group at nagpatalsik sa representante ng Pilipinas sa quarterfinals noong 2023.

Naghabol sa 19-puntos sa unang bahagi ng ikatlong yugto ang SGA para maibalik ang labanan habang ang tandem nina Andre Roberson at Mckenzie Moore ay nagpasigla ng laban at nagbigay-daan sa kanila na magdulot ng banta laban sa mga nagdedepensang kampeon.

Nagbuhos ang dalawang reinforcements, kasama si guard Jordan Heading, ng 21-6 closing rampage upang ilapit ang iskor sa apat, 61-57, bago nagmartsa patungo sa payoff period. Bago iyon, minsang nakatitig sa 55-36 hole ang koponang pinamumunuan ni coach Charles Tiu.

Gayunman, bumawi ang Al Riyadi kung saan ibinaon ni Amir Saoud ang isang buzzer-beating triple na nagbigay-daan para muling makuha ang 72-67 abante bago gumanti ang Strong Group ng mabilis na 7-2 barrage na tinapos ng isang triple ni Heading upang itali ang laban sa 74 -all.

Nagkaroon ng pagkakataon si Roberson ibigay ang abante sa SGA subalit sablay ang isang potensiyal na pampanalong tres. Pagkatapos ay binayaran sila ni Ismail Abdelmoneim na ipinako ang triple na nagpanalo sa laro sa tatlong segundng natitira.

Si Gabriel Harries, na ang triple ay bumasag sa 66-all, ang nanguna sa Al Riyadi na may 23 puntos, pitong rebounds, tatlong assists at dalawang steals habang ang mainstay na si Wael Arakji ay nagtala ng 16 markers, tatlong boards at tatlong dimes.

Namuno si Roberson ng double-double na 24 points at 13 rebounds habang nagposte si Dwight Howard ng 18 markers at 12 boards, ngunit hindi sapat ang mga iyon para dalhin ang Strong Group.

Wala namang puntos si Kevin Quiambao sa talo matapos ang pare-parehong double-digit na scoring sa mga nakaraang laro.