November 24, 2024

AKTIBIDAD NG PRO AT ANTI-MARCOS NAGING MAPAYAPA

Naging mapayapa ang kabuuang sitwasyon ng aktibidad na isinagawang ng grupo ng mga raliyista sa panig ng pro at anti-Marcos sa ilang bahagi ng designated area sa lungsod ng Maynila kaugnay sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ngayong araw.

Matatandaan na ang grupo ng mga pro-Marcos loyalist ay nagsagawa ng mga activity program bilang suporta sa papasok na bagong Administrasyon na si BBM JR, dito sa Bahagi ng Liwasang Bonifacio sa Freedom Park sa Loton Manila, aabot sa 2,000 individual ang nakilahok, kung saan nagkaroon ng mga Iba’t-ibang mga Programa din ang PNP ng Dancing Competitions, Zumba Fitnes Dance, Raffle Box, Pagpapakilala ng mga Grupo na kinaaaniban ng bawat isa,  Kantahan at Sayawan, nag bigay din sila ng mga Mensahe bilang Suporta sa Ika-17 pangulo ng bansa na si Ferdinand bongbong marcos jr.

Nagbigay din ng mga pagkain, inumin at give away  ang mga nasa hanay ng PNP, habang naka-stand by, ang mga anti riot team, at fire truck ng bumbero sa paligid ng liwasang Bonifacio Freedom Park,  para panatilihin ang siguridad at kapayapaan ng bawat isa.

Habang nagkaroon naman ng dialogue ang mga Militant groupo na Anti Marcos at official ng Mpd

Nagkasundo ang mga anti-Marcos at MPD, na sa Plaza Miranda nalang isasagawa ang kanilang kilos-protesta at programa upang maiwasan din ang posibleng maganap na kaguluhan sa pagitan ng pro at anti Marcos, kung kaya’t nag desisyon.

Sa panig ng anti-Marcos, aabot sa 1,000  ang dumalo sa naturang pagtitipon,    isinagawa nila ang  Iba’t-ibang programa sa Harapan ng Palaza Miranda sa Quiapo Manila Church,  kung saan nagbigay sila ng mensahe at hinaing at sa loobin sa  papasok na administrasyon nito, dito isa-isa nilang ipinangalandakan at isinigaw sa Plaza Miranda ang kanilang demands:

– Free Frenchie Mae Cumpio

– Free press Freedom

– stop killing farmers

– reject Marcos Duterte

– panagutin si Duterte

– Imelda iselda

– hands off independent media

– dagdag sahod push na Yan

– free the courage free all political prisoners

– coco levy fund ibalik sa magniniyog

– tunay na reforma sa lupa ipaglaban

– tuloy Ang laban

– Justice for victims of human rights

– kalusugan Karapatan at mamamayan

– oil regulation law ibasura

– kalusugan kabuhayan at kalayaan ipaglaban.

– sahod itaas presyo ibaba

– buwagin Ang ntf elcac ituloy Ang usapang pangkapayapaan

– stand for democracy.

Ang mga naturang dumalo na Anti Marcos  ay Kinabibilangan nila LEADERS:

– Jerome Adonis ( KMU )

– Carlos Zarate ( bayan muna)

– Renato Reyes ( bayan )

– France Castro ( act teacher)

– Mody Floranda ( Piston )

– Raoul Manuel ( Kabataan Party list)

– Manuel Baclagon ( courage )

– Joms Salvador ( Gabriella )

– Robert Mendoza ( Natl.pres AHW)

– Obet De Castro ( bayan muna)

– Elmer Labog ( KMU Chairperson)

– Mara ( Union ng Manggagawa)

Kabilang pa ang grupo na :

– Karapatan

– Head

– anakpawis

– kilusang Magbubukid

– HAHR ( health action for human rights)

– National Council of churches in the Philippines

– AHW ( Alliance of health workers)

– ILPS ( international League people’s struggle)

– Kabataan

– Gabriella

– ARPAK ( artists ng rebulosyong pangkultura)

– PCFS ( People’s Coalition on food Sovereignty)

– Union Ng manggagawa

– ACT ( Alliance of coalition Teachers)

– CAP ( Concern Teachers of the Philippines)

– Southern Tagalog Cultural alliance

Matapos ang naturang programa na isinagawa ng mga Anti Marcos Loyalist ay pasado 12 ng tanghali ng kanilang lisanin ang Plaza Miranda at saby sabay na nag alay lakad sa paikot ng Quinta Market, patungo sa kabilang side ng Quezon Boulevard patungo naman sa Recto Aveneu, kung dito na tuluyang nag kahiwa-hiwalay ang mga naturnag grupo ng Anti Marcos.

Samantala nagkaroon din ng Pasasalamat Pangulong Bong2x Marcos Jr program, sa bahagi naman ng Mendiola sa Legarda Recto Manila, ang grupo parin ng Pro-Marcos Loyalist bipqng pagtalima o pag suporta sa bagong Administrasyon Marcos Jr. Na dinaluhan naman ng iba’t-ibang sector ng grupo. Habang nakaantabay parin ang Pamunuan ng MPD sa Pagpapanatili ng Siguridad at kapayapaan sa nasabing aktibidad.

Sa kabuuan naging Matiwasay ang lahat ng mga Naging kaganapan sa Araw ng Inagurasyon ni Pangulong Bong2x Marcos Jr, kya naman Binabati natin ang panunuan ng PNP-MPD PULIS,  at wala naman naitalang Untowards Incident o Kaguluhan, at Paninira ng mga Kagamitan o Pagsusunog tulad ng mga nagiging kaganap tuwing may mga Rally at ang Lahat ay Sumunod sa mga Alintuntunin, siguridad, at kapayapaan, ng PNP, maging ang pagpapanatili ng Health Protocol o Pagsusuot ng Facemask ay nasunod, maging ang sitwasyon ng panahon ay nakiayon sa naturang mga aktibidad.