May 16, 2024

AJ RAVAL, NAKATATANGGAP NG DEATH THREAT SA MGA BASHERS

Mukhang suki si AJ Raval ng katakot-takot na bash sa mga netizens. Ewan kung bakit ginagawa ng iba ito sa aktres. Naging bad image kasi ang dating niya nang madawit sa break-up ng showbiz couple. Alam na ninyo kung sino ang aming tinutukoy.
Pag-amin ni AJ, nakaranas siya ng mental breakdown dahil sa mga bashers.

Ang matindi, nakatanggap din siya ng pagbabanta sa kanyang buhay. An kaya ang problema ng iba sa kanya? Jealous ba sila sa ganda ang kaseksihan niya? ‘O baka pam-bluff o pang-go-good time sa sexy actress.


Ang dami ko po nare-receive na kung ano-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin. Nag-detox na lang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health yung social media,” pahayag ni AJ.


Pero, may natutunan daw siya sa kabila ng mga pangyayari. Nagiging positibo ang kanyang pananaw. Isa pa, nagiging matured na siyang magpasya.