MAGSASAGAWA ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng Crash Rescue Exercise (CREX) bukas sa airside premises ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Tiniyak ni MIAA Officer-in-Charge general manager Bryan Co, na hindi magagambala ang operasyon ng paloparan habang isinasagawa ang nasabing exercise.
Layon ng nasabing aktibidad na masubok ang kahandaan sa pagtugon sa isang air crash incident.
Masusubok din sa nasabing aktibidad ang pagiging epektibo ng mga umiiral na guidelines at procedures na nakapaloob sa MIAA Airport Emergency Plan.
Ayon kay Co, ito ang unang beses rin na magsasagawa ng simulation ang MIAA kung paano ihahandle ang mga kaanak ng mga biktima ng isang aircraft incident. ARSENIO TAN
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA