KABILANG na sa elite four ng Philippine Universities Basketball League (PUBL) ang Asian Institute of Maritime Studies (AIMS).
Ang Pasay – based maritime dribblers ay dadaan sa butas ng karayom upang magapi ang NCAA powerhouse na Mapua Cardinals na nasa bentaheng twice to beat para umentra sa finals.
“Malaki ang bentahe ng aming katunggali pero nakahandang itodo ng mga bata ang lahat para magapi ang Cardinals s pamamagitan ng determinasyon at motibasyong laban lang hanggang dulo”, aambit ni Blue Sharks coach Kiko Flores na naghatid ng pasasalamat sa management mula sa Pangulo at kay VP Ted Cada.
” We will treat this crucial game one at a time “, ani pa Flores.
Sa hiwalay na semis game, maghaharap naman ang isa pang powerhouse team na Philippine Christian University(PCU) Dolphins kontra University of Perpetual Help Dalta System.
Ang Dolphins sa timon ni head coach Biboy Simon(dating University of Manila standout, PBL, PBA,MBL sweetshooting player turned coach ang may advantage na twice to beat kontra mapanganib na Perpetual team.
Aarangkada ang semifinals sa Hulyo 17 sa Abad Santos Gym sa Binondo, Maynila.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW