December 25, 2024

AGNES TIROP: WORLD RECORD HOLDER NATAGPUANG PATAY (Asawa pangunahing suspek)

Natagpuang walang buhay ang Kenya Olympian athlete na si Agnes Tirop sa Elyge sa loob ng kanyang bahay sa Elgeyo-Marakwet County kahapon.

Ayon kay Barnaba Korir, chairperson ng Athletics Kenya sa Nairobi Region, lumalabas sa preliminary reports na nagtamo ng saksak sa katawan si Tirop.

“Athletics Kenya are this afternoon distraught to learn about the untimely death of World 10,000 meters bronze medalist Agnes Tirop,” ayon sa ipinalabas na pahayag ng Athletics Kenya.

“Kenya has lost a jewel who was one of the fastest-rising athletics giants on the international stage,” dagdag pa nito.

Sinasabing sinaksak umano si Tirop, 25, ng kanyang asawa,” pero patuloy pa ring nangangalap ang detectives tungkol sa kanyang pagkamatay.

Siya ay pang-fourth place sa 5,000-meter final nitong Olympics Games sa Tokyo.

Noong Setyembre 12, binasag niya ang record sa women’s 10,000 meters sa Road to Records Race sa Germany na may oras na 30:01.

Nito ring Oktubre, naiuwi ni Tirop ang silver medal sa Giants Geneva na ginanap sa Sweden.