Opisyal nang iniluklok si Davao City woodpusher Rowelyn Joy Acedo bilang arena grandmaster (AGM). Ang nasabing titulo ay ipinagkaloob ng Fide na siyang governing body ng chess sa mundo. Nailuklok si Acedo bilang AGM dahil sa kanyang impresibong perpormans sa ilang laro sa Fide online arena.
“It feels so good and very fulfilling to have this kind of achievement lalo na during quarantine days sobrang naging productive ko,” pahayag ng former De La Salle University’s University Athletic Association of the Philippines (UAAP) six-time chess gold medalist na si Acedo.
Kasalukuyan ding nagtratrabaho ang 24-anyos na Dabawenya sa business processing outsource (BPO) company, habang nag-o-online teaching. Aniya, tatlong linggo ang hinintay niya bago nakuha ang AGM title.
“I started last week of May, then after the second week of June, I’m already eligible to get the title. So I waited for two weeks to finally get my certification, which I received on July 3. For the tournaments, sobrang dami na po. I kept on accepting challenges and joining tournaments as much as possible after work or leisure time,” aniya sa isang panayam ng SunStar Davao.
Para matamo aniya ang AGM title, kinakailangan aniyang mapanatili niya ang Fide 2000 rating sa 150 laro, maging ito man ay sa bullet, blitz o rapid tournaments
“May membership fee din then you need to pay for the title once eligible to get it.”
Sa ngayon ay patuloy pa ring naglalaro sa online tournaments si Acedo at isa ring aktibong member ng United Queens Chess Club; kauna-unahang all-female chess club na naitatag sa Pilipinas.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!